An Open Letter to the One I Love
I e-mailed this letter last April 26, 2007 to everyone on my address book, except for the person I wrote this for. I dunno if it’s such a good idea to put this up here but if it will inspire even just one person, then it is worth it. Guys, prepare the barf bag. No, really.
Note: It’s in Tagalog so if you can’t understand, well, sorry… This is best read with a sappy love song playing in the background like Friend of Mine, Time after Time or heck, any song from Boyzone.
~~
Dahil ako’y duwag at takot masaktan, sasabihin ko na lamang sa’yo ito sa e-mail at magbabaka-sakaling mai-forward sa ‘yo to ng mga taong inuubos ang araw nila na yun lamang ang ginagawa. Pwede rin sana sa text brigade pero yayaman ang service providers sakin sa dami ng gusto kong sabihin.
Unang una, mahal kita. Ata. Palagay ko… Oo. Mahal nga kita. Matagal-tagal rin bago ko ito natanggap kasi lagi akong nakikipag-talo sa sarili ko. “I love him so much that I can’t be in love with him”, parati kong dinidiin sa aking utak. Ew. Korni. Sarap lagyan ng Dairy Cream at asin. Pero totoo naman- kasi ‘pag nahulog ang loob ko sa ‘yo, paniguradong masasabi ko ‘yon. At masisira ang friendship. At magla-laklak ako ng Liquid Sosa.
Ngunit hindi. After five years, hindi ko pa rin nasasabi, magkaibigan pa rin tayo, at ang Sosa naging solid na.
Matagal-tagal na rin pala tayong friends. Magka-klase tayo nung first year college at naging tropa. Hindi best friends- take note. Hindi best friends. Nakakasawa na ‘yung ganung istorya, ‘di ba? Steady lang tayo, masaya, laging nagtatawanan, nagkukulitan, gumagawa ng sarili nating stand-up comedy sa klase.
At siguro, sa gitna ng mga halakhak, unti unti na ‘kong nag-fall sa ‘yo. May nililigawan ka nun, classmate din natin at siyempre, naging kayo. Actually, buong college natin, you were together. Minsan natatanong ko kung bakit hindi ko ipinaglaban ang feelings ko para sayo. Or worse, kung bakit ko hinayaan na maging kayo.
At sa tuwina, sinasagot ako ng sarili kong topak- dahil hindi mo ko kayang mahalin in a girlfriend-boyfriend sort of way. Kumbaga, tayo yung tipong meant to be buddies forever and nothing more. Frustrating ‘yon sa iba pero sakin, pwede na. Gano’n kahalaga sakin ang ating pagkakaibigan.
Sabi mo dati soulmates tayo pero maaaring nalimutan mo na yun. At malamang, ‘di rin naman ganon kadami ang memories mo natin dahil ang mundo mo ay umikot lang sa kanya- sa girlfriend mo.
Hindi ako galit. O nagse-selos. O bitter. Ganun nga siguro kung sa umpisa palang ng paligsahan, alam mo nang talo ka. Bukod pa dun, na-realize kong hindi rin kita kayang mahalin tulad nga pagmamahal niya sa ‘yo. Baka ma-disappoint ka lang.
Pero gusto ko lang malaman kung meron ka rin bang naramdaman para sakin kahit kakaramput lang. Kung yung “moment” ba natin sa room 204 ay may kabuluhan o imahinasyon ko lamang.
Kung wala, ayos lang. Sanay na ko. Hindi ikaw ang unang taong magsasabi saking “I’m really flattered but only time can tell if I’d have feelings for you, too…”
Ang drama queen ba? Pasensya na ha. Alam mo namang pangarap kong mag-artista. Nais ko lang talagang malaman mo na sa kalahating dekadang nagdaan, minahal kita. Kahit buwan tayong di nag-uusap, kahit nalilimutan mo ang birthday ko, kahit hawak mo lagi ang kamay niya- minahal kita… Mahal kita. Masakit lang kasing itago sa ‘yo ‘to gayong bukas magkikita na naman tayo at ipe-pretend ko na namang parang bale wala lang.
Kring
ps: Sakali mang matanggap mo ‘tong e-mail at feeling mo ikaw ‘to, well, hindi ito ‘wrong sent’ tulad ng akala mo sa quote dati na tinext ko talaga para sa ‘yo. Pasensya na din kung may typos. Di ko na na-edit kasi may mas mahalaga pang bagay na naghinhintay na ma-edit ko tulad ng episode 2.
—
And in case you’re wondering, everything’s good and settled now. I’m happier than ever and we’re even closer than before. No, I’m not in love with him anymore. It’s funny how the heart can heal so easily. ‘Kay, I’m an effing huge cheese ball and you just gotta deal.
Tags: hopeless romantic, kring, love letter, lovelife, unrequited love
Trackback from your site.







Pingback: An Open Letter to the One I Love by The Philippines According to Blogs
Pingback: Thai Movie Crazy Little Thing Called Love | Funny is the New Sexy
Pingback: An Open Letter to the One Who Loves Me | Funny is the New Sexy