An Entry Full of Cheese
On June 3, 2007, I wrote a ‘letter’ to the person who’d eventually love me someday (‘coz I’m retarded like that). It’s called “Keso”, somehow a follow up to “An Open Letter to the One I Love”. Sorry but it’s Buwan ng Wika, hence, a Tagalog entry for you.
Balang araw, may magmamahal din sa akin ng lubus-lubusan. Yun bang iiiyak niya na lang ang umaapaw na pag-ibig sa kanyang puso. Gagawan niya ako ng awitin, susulatan ng tula at titingala sa mga tala habang abot langit ang ngiti – dahil ako ang kanyang naiisip. Higit sa lahat, ipagdarasal niya ako at matimtimang papangarapin na sanay mahalin ko rin siya.
Sa gabi, ako ang bida sa kanyang panaginip. Ang aking larawan ang magiging tanging laman ng kanyang pitaka, kasama ng perang iipunin niya para sa akin. Hihintayin niya ako sa trabaho kahit na matapos ako ng alas dos ng madaling araw at hindi uuwi hanggat ako’y payapa na sa aking kama .
Ipagluluto niya ako ng maasim na sinigang at hahanapin ang mga pelikulang matagal ko nang nais mapanood. Ipipinta niya ang aking mukha, lilinisin ang barado kong lababo at paliliguan ang aming mga aso. Hindi nya rin ako patitigilin sa aking bisyo, bagkus ay sasabayan ang mga trip ko sa buhay.
Gagalangin niya ang mga magulang ko, makikipag-basketball sa kapatid ko at magmamano sa aking lola. Patatawanin niya ang aking mga kaibigan at gagawin ang lahat, masigurado lang na ako’y masaya, hindi bilang alipin, ngunit isang taong nagmamahal – ng lubus-lubusan. At ang pagmamahal na ito’y magpapasaya rin sa kanya.
Balang araw, may hahawak rin ng aking kamay at hahalik sa aking mga labi. Yayakapin niya ako nang mahigpit at ibubulong sa aking tenga na hinding hindi niya ako pababayaan. At sa gitna ng kaguluhan, kasamaan at kahirapan sa buhay, magpapasalamat siya pagkat ako’y nakilala niya at matatanto niyang may mabuti at maganda at maaliwalas pa rin pala sa mundo.
Marahil ay hindi ko pa nga siya natatagpuan pero darating ang panahong makakapag-kape rin kami, habang pinanonood si haring araw na nagiging anino ng gabi. At sa iyo, sa taong magmamahal rin sa akin balang araw, ‘wag kang mag-alala. Pagdating ng panahong mabasa ko sa iyo itong munti kong komposisyon, mahal na rin kita – ng lubus lubusan.
Needless to say, I threw away that letter (albeit it’s proabably floating around in cyberspace somewhere). I sounded as if I wanted a PA, slave or a puppet – a guy who’d probably agree to everything I’d say or do, who has no balls and a schizo at that when rather, I was just waiting for someone who’d know all my faults, mistakes and differences and would accept me despite all that. It won’t hurt, too, if he’s cute, comes from a good family and has a cool job.
I’d like to believe I’ve met that someone already… But as I’ve said, no expectations, no thinking about the future. Just living in the moment and savoring every bit of it. Life’s better that way and plus, I just had to end this post with some cryptic, philosophical and hopeless romantic sentence.
Related posts:
Tags: letter
Trackback from your site.
facebook comments:












