Isa Ka Bang Batang ’90′s?

Written by Kring Elenzano on January 2nd, 2009. Posted in Celebrity, Film and TV, Humor and Crack, Philippines, Pop Culture

DISCLAIMER: I know this topic’s kind of passe already but there’es just this strong (oh, sooo strong) urge for me to share my own take on it. It’s a special entry, if you may, because it’s a subject matter that never fails to put a smile on my face. And because I realized that only the Pinoys would be able to relate to what I’m saying anyway, I decided to write this in Taglish. I had a blast putting this together so I hope you’d like it, too. Also, it’s extremely long. Like really. Don’t say I didn’t warn you.

~~~

Isa akong proud na batang 90′s tulad ng karamihan sa mga kaibigan ko. Shonga, di porke’t pinanganak ka nung 1992, 90′s kid ka na. Malamang sa malamang di mo nga alam ang mga sasabihin ko dito. Tuwing kami’y nag-iinuman (at madalas iyon), parating napagku-kwentohan ang mga grade-school at highschool days namin. Kaloka. Walang katulad.

Alam mong ka-generation kita kung lumaki kang pinapanood ang Batibot. Oo, adik ako dito nung bata ako. ‘Di kasi ako sosyal at Inggleserang bagets kaya’t ‘di patok sakin ang Sesame Street. Around this time rin may school tour ang Sustagen kasama ang mascots na si Susie and Geno. Aminin mo, kahit hindi ka umiinom ng Sustagen (kasi weird ang lasa, Milo at Ovaltine pa rin FTW!) nag-pabili ka sa mama mo para makapag-dala ng cap na ipapalit para sa freebies. ‘Di ba?

Pero siyempre, hindi lang Batibot ang pinapanood natin noon. Nariyan din ang usong-usong cartoons ng Dos na nagpa-saya ng umaga’t hapon ng lahat. Malilimutan mo ba naman sina Cedi, Nelo, Mary at kanyang Lihim na Hardin? Eh si Sarah na nang lumao’y nagkaroon ng live-action movie starring Camille Prats? Si Julio at Julia *insert theme song here “sina Julio at Juliaaaa, kambal ng tadhaaaana..”*, Santa at Peter Pan at shiet, si Patrash na nagpaiyak sa’yo?

Pero I have a confession. Noong bata pa ko, akala ko talaga Pinoy sina Ultraman, Shaider, Masked Rider Black at iba pang sentai (hindi hentai, gagu!) characters na nagta-Tagalog. Malay ko ba! Mahilig ako sa junk food noon, maraming MSG, medyo slow si ateh. Basta alam ko lagi akong si Yellow 4 dati kasi may pagka-boyish din sya. ‘Di ako masyado nahumaling sa anime tulad ng iba pero sinubaybayan ko ang Sailor Moon, Ghost Fighter, Dragon Ball at yung “Lilipad, lilipad, takureee!”. Astig kaya yun, may pagka-bastos. Hehe.

90′s kid ka kung gradeschool ka nang lumabas ang SinEskwela, Hiraya Manawari and the like. Crush ko pa si Brenan (Agatom) noon at sino ba’ng mag-aakalang magiging friends kami eventually ng orange na isdang si “Palikpik”? At sa totoo lang, badtrip nga kasi pang-hapon ako kaya;t di ko nasasabayan ang klasik na “4:30 na, Ang TV na!”. Bata pa lang kasi ako gusto ko nang mag-artista. Speaking of artista, kilala mo sigurado si Cynthia Luster, The Gwapings and Ms. Mauritius. At akala mo talaga, magkaka-tuluyan sina Dayanara at Aga. Natatawa ka na ba?

I know naabutan mo rin ang halos gabi-gabing brown-out nung 1992 elections at wala kayong magawang magpi-pinsan kundi mag-takutan sa dilim o maglaro ng patintero. Ang jologs ng mga bata ngayon, puro computer games at kung ano-anong mamahaling laruan ang pinabibili. Dati, lata at stick lang, masaya na tayo. Sabagay, sino ba namang hindi mag-eenjoy sa langit-lupa, 10-20, piko, tumbang-preso, chato at bahay-bahayan? ‘Pag naiisip ko nga, parang ang dungis-dungis ko noon eh, pero keber. Maganda naman ang childhood ko kahit madalas akong salimpusa.

Hindi ako isa sa mga bagets na ‘yan… naka-shorts lang kami at sando na may pitchur ng Teenage Mutant Ninja Turtles ‘pag naglalaro dati. LOLZ.

May frustration nga lang ako- ‘di namin nagawang magtayo ng tree house. Nakaka-inggit kasi yung mga pelikulang Now and Then, Mighty Ducks, mga ganun. Parang lahat sila may tree houses. Masarap pa naman sanang kumanta sa treehouse, ‘no? Yung mga tipong kanta ng E-Heads, Introvoys, Rivermaya at Roselle Nava. Mga hits tulad ng Sana Dalawa ang Puso Ko, Iba Ka na Pala Ngayon, Humanap ka ng Panget at Bakit Labis Kitang Mahal. Shiet! Memories!

90′s kid ka kung naabutan mo pang cute si Aiza Seguerra sa Okay Ka Fairy Ko. Kung nanonood ka ng Teysi ng Tahanan at Ana Luna sa tanghali at Ober da Bakod, Home Along da Riles at Buddy en Sol naman sa gabi. Nahumaling ka sa mga nilabas na shows ng Cinco noon tulad ng G.E.P., B na B at syempre, Tropang Trumpo. Super duper crush ko si Earl Ignacio dati so imagine mo na lang ang pag-tambling ko nang after 13 years, naka-trabaho ko sya.

At ‘wag na mag-deny, lahat naman tayo naging fashion victims at one point in our lives, lalo na nung wala pa tayong sariling identity at sumasabay lamang sa uso. Hindi ba’t nagka chaleko ka rin? Nauso yun noong kasagsagan ng kasikatan ng “Always” na pauso ng UMD. Super cool mo kung may chaleko ka na, may Mighty Kid shoes ka pa, na umiilaw kapares ng T-Shirt mo! Kung girlaloo ka naman, nagkaroon ka ng item na may sunflower. Oo, sunflower. Imagine: fisherman’s hat with a huge sunflower in the middle, jumper-like sundress over a white shirt and leather boots to complete the look. Si Donna Cruz ang may pakana niyan. Nauso rin ang Macarena shorts (skirt na may shorts sa loob) at ang pagtupi ng pantalon 3-4 times palabas, na nakikita ang white socks mo, which, eventually naging neon-colored. Bongga!

Kapag usapang 90′s, hindi mawawala ang Spice Girls. Ibang klase ang impluwensya niyang mga ‘yan sa henerasyon natin! Kabisado ko pa ang lahat ng kanta sa first 2 albums. Wait. Make that kanta at sayaw. At talaga naman ang mga girls, pataasan ng platform shoes! Pero mas fan pa rin ako ng Backstreet Boys (lalo na ni Nick Carter na nabalita pang babae daw kasi ayaw mag-tanggal ng T-shrit at laging naka-lipstick whattalol). Natatawa na lang ako pag naaalala ko pero tumatawag pa kami sa Kool 106 para lang mag-number one sa hit chart ang Quit Playing Games! At mukhang wala nang bukas kung makatili ako tuwing pinapalabas ang videos nila sa MTV. Sumulat pa nga ako kay Mike Kasem and Nadya Hutagalung sa Most Wanted at nagbaka-sakaling mabasa ang request ko at manalo ako ng goodie bag. True story.

Isa ka ring batang 90′s tulad ko kung kinanta niyo sa eskwela ang Tell the World of His Love, with matching hand movement pa nung dumating si Pope JPII. Kung performance level ka sa pag-birit ng jingle ng Nano Nano candy. Kung natakot ka sa Who’s Afraid of the Dark at napabili ka ng hotdogs dahil sa “Goodbye, Carlo” na commercial. Kung humataw ka sa Lick It, It’s a Beautiful Life, Choo-Choo Train at iba pang hits ng Ace of Base sa inyong Christmas parties. Kung nangolekta ka ng Disney stickers sa Maggi Noodles at temporary tattoos na kalakip ng Viva Mineral Water bottles. Kung nanood ka ng Pen Pen de Sara Pen, Superbook at syempre, Marimar (kasama ang buong pamilya pati kapit bahay).

Haaay! Nakakatawa na nakaka-iyak. Bakit kaya ang sarap balik-balikan nito? Siguro dahil binabalik din tayo sa nakaraan, kung saan walang stress at responsibiladad. Na napapagod lang tayo sa laro at ang problema lang natin ay kung saan hahanap ng pictures ng mga bayani para sa assignment sa Sibika. At naalala natin ang panahong may oras pa tayong sumiyesta sa hapon at masarap pa ang tigpi-pisong pan de coco.

PBA09qqnp24n

Related posts:

Tags: , , , , , ,

Trackback from your site.

facebook comments:

Archives

  • 2012 (53)
  • 2011 (74)
  • 2010 (44)
  • 2009 (52)
  • 2008 (53)
  • 2007 (23)