Sisihin ang Tsokolate at Vodka
Okay, tumanda na naman ako. So? Ano na? May bago ba ako’ng dapat antabayanan (naks, lalim!)? Tutubuan na ba ako ng lumot sa balat? Lalaki na ba ang sweldo’t boobs buwis ko? Parang hindi naman.
Noong isang linggo, sa mismong birthday ko, dinilat ko ang aking mga mata’t nakiramdam kung may nag-iba sa akin. Pareho pa rin naman, walang bonggang naganap. Nakakatawa ‘no? Tuwing tatanda ka ng isang taon, parang tumataas ang expectations ng mga tao sa ‘yo. Para bagang overnight magma-mature ka kaagad. “Hoy! Matanda ka na! ‘Di na bagay magpa-cute sa ‘yo! Heto, slacks at blazer. Itigil mo na ang pagsuot ng mini-skirt at sneakers.” Ngunit alam naman nating lahat na di ganun ang kaso. Sus, sigurado ako marami kayong kilalang tandercats na pero kung mag-isip at umasta, parang grade 2 lang.
Sabi dati ng isang kaibigan ko, mahalaga daw ang taon na ‘tp para sa mga babae. May life-changing-moment factor chorvaloo. Maaaring change of career, pag-aasawa, pagma-migrate sa ibang bansa o di kaya’y reyalisasyon na siya’y tibo. Pero kadalasan naman raw, fabuloso naman ito. For the better, kumbaga. Mula nang narinig ko ‘yun, inabangan ko na ‘tong taong ito ng may halong excitement at kaba. Ano kaya ang naghihintay sa akin? Masasama na kaya ako sa FHM’s top 100 sexiest women OF. THE. WORLD? (Oha! Oha!) Makakapag-backpacking na kaya ako sa Europe ng isang buwan at magiging hit sa mga tao doon pagkat “exotic” ang features ko? Mananalo na kaya ako sa lotto bagama’t di ako tumataya? Magkaka-boyfriend na kaya ako?
Sa totoo lang, hindi ko alam at walang akong clue. Pero kahit papaano, masaya ako sa takbo ng aking “career” (<- Ano? Saan? Bakit?) Sana nga tuluyan nang matupad ang pangarap kong jackpot na maging superstahhh!
Speaking of that boyfriend issue.. Oo, wala pa rin akong jowa/syota/nobyo/labidabs/*insert-kanto-term-for-a-boyfriend-here*. Ngunit nakapagtataka na parang hindi ako ganun ka-apektado tulad ng dati. Dahil kaya busy ako o dahil jaded na? Naiisip ko pa rin naman yun madalas lalo na’t tuwing uuwi ako ng gabing mag-isa- pagod, gutom, at nag-aabang ng text na “QmAin na PoH u?” na hindi naman dumarating. At oo, kung pwede ko lang kausapin ang panahon, sasabihin ko talagang ‘wag naman niya akong pag-iwanan. Pero hindi ko alam, masaya naman ako eh. Dapat daw masaya ka maging single. Ngunit hindi pa naman ako naging un-single kaya’t hindi ‘yan applicable sa akin. Malay natin, mas maging masaya ako kung “double” na ako! At sige, aaminin ko na, may pagka-pihikan talaga ako. Ayun ay dahil alam kong I’m worth a lot. *winks*
Ang sabaw ng post na ito. Wala na naman pinatunguhan. Pero na-miss ko kasing magsulat sa Filipino at mag-blog ng wala lang… Masabi lang ba. Nakatulong rin siguro ang pagkain ko ng tsokolate at pag-inom ng vodka ng alas-tres ng hapon.
Related posts:
Tags: 24th birthday, filipino, funnysexy facebook fanpage
Trackback from your site.
facebook comments:












