|
|
DISCLAIMER: OO, TAGLISH ITONG POST NA ITO. IF YOU HAVEN’T TALKED TO ME BEFORE, WELL, GANITO AKO MAGSALITA IN REAL LIFE. DEAL.
~~~
Sa mga nakalipas na buwan, may mga iba akong nakakausap na binobola ako’t sinasabing sikat raw ako. “Lolz”, ‘yan ang aking sagot sa tuwina, “humihithit ka ba ng pulburon?”. Hindi porke’t may mga nakakakilala sa akin, pwede ko nang i-level ang sarili ko kay Lady Gaga. Matagal na naman akong kilala ng mga utao. Ng mga classmates at teachers ko nung elementary, ng mga kamag-anak ko, ng mga barker sa sakayan ng FX sa SM Fairview… Check mo, marami rin nakakakilala sa ‘yo, panigurado.
Siguro iba’t iba lang talaga ang standards ng kasikatan para sa mga tao pero I’d like to believe naman na maayos ang judgment ko pagdating sa ganitong bagay. So naisip kong i-qualify ito at ibigay ang mga concrete proof o examples kung paano mo malalaman na nasa tugatog ka na ng kasikatan.
Alam Mong Sikat Ka Kung…
1. May fansite ka.
Na gawa ng totoo mong fans (kadalasan pa nga, hindi mo sila kilala). Hindi dito kasali ang Facebook fanpage bilang pati aso ng kapitbahay ng janitor ng doctor ko nung grade 6, may fanpage na rin.
2. May haters ka.
Syempre, kung may fans, hindi mawawala ang ‘haters’. Tinatawag din silang ‘anti’s’ sa Korea. Sabi pa nga ng iba, ito daw ang ULTIMATE BASIS na you’ve made it. Kung may haters man ako, well, sorry na lang. You can’t please everyone talaga. Minsan nga, naka-tameme ka na lang, nagkakamot ng tenga, magkaka-haters ka pa rin.
And I believe that hate DOES NOT beget hate (potah English yun!). Kung gayon, kawawa naman si Kanye West- puno na siguro ng puot at galit ang puso nya. Kaya’t hayaan lang ang mga haters, kasama sa kasikatan ‘yan. At aminin na natin, tunay na superstar si Alodia Gosiengfiao. SHE PWNZ YOU BIGTIME.

Dear Alodia, let’s be friends! I got mallows and vodka in my room. ^^ It’s gonna be fun! (credit as tagged)
3. Ini-invite ka mag-guest. At may TF.
Sa radyo, telebisyon (lolz sasayaw ka daw sa Wowowee), internet show at kung saan pa man. Fini-feature ka rin sa mga magazines at ini-interview sa mga dyaryo. Wala nang kelangang self-whoring na maganap. Everybody wants a piece of you, ika nga.
4. May billboard ka.
Kasama si Marian Rivera o Manny Pacquaio. Hindi pwede basta-basta billboard lang. May mga kilala akong nasa billboard nga pero mas sikat pa si Li’L ZupLadO sa kanila.
5. Very Googleable ka.
And I don’t mean just Googleable, VERY dapat. ‘Pag tinype mo first two letters ng iyong name, pangalan mo agad ang lalabas sa autocomplete chorva ng search engine. Sibubukan ko sa akin. Kroger ang lumabas. FAIL.
6. Hindi mo na magawang mag-commnute.
Bilang pinagkakaguluhan ka ng mga “madlang people” at hindi ka makakarating sa iyong paroroonan. Just by this example, ALAM KONG HINDI PA AKO SIKAT!!! (Kanina lang, walang-awang panggi-gitgit ang ginawa nung isang ale sa’kin sa MRT. Hindi naman siya kabanguhan. >_>)
7. MAY FANFIC KA.
As in ikaw ang bida at sinulat ito ng mga fans mo. Tangina. Ito ang ultimate para sa akin. Btw, kung gagawan niyo ako ng fanfic, sana naman guwapo ang ka-pairing ko. Tipong si TOP, ganun. At paki-disclaimer na you don’t own me kthnx.
8. Pinapagaya ng mga tao ang hairstyle mo.
Yun bang may dala-dala pa silang picture mo sa parlor!!! Ngunit iba ang level mo kung pagpasok pa lang sa parlor, shiet, mukha mo ang nakabandera dun! Ikaw na ang makabagong Tina Paner.

Pinangarap mo bang maging Jennifer Aniston ng Pilipinas? Ginaya mo rin ba ang haistyle ni Bea Alonzo sa role niyang Basha?
9. Isa ka sa “Prominent Almuni” ng iyong alma matter.
Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
10. May paparazzi photos ka.
‘Teh, kapag nakita mo ang picture mo sa front page ng Pinoy Parazzi, paniguradong sikat or at least pasikat ka na. Biruin mo, bibilihin pa ng isang publication ang litrato mo’ng mukha kang wasak samantalang dati sinusunog mo lang ang mga ‘yun! Ikaw na.
11. Binabayaran ka para umattend ng event.
Medyo connected ito sa #3. Hindi ka lang invited, may bayad pa! Sosyal! Taragis, tignan mo nga naman kung gaano ka-unfair ang buhay… Yung mga “celebs” diyan, may bayad na, sandamakmak pa ang swag bag! And they don’t even have to blog about it. Uy, CHOSun dynasty! Patama?
12. Ini-impersonate ka.
Ni Michael V. Or ni Pooh. Pero hayup ka lang sa kasikatan kung sa mga gay beauty contests tulad ng Super Sireyna, may representation ka at ang mga bakla ay nagpupumilit maging kamukha mo. Oh, debba? Choosy ka pa?
13. May nakakasalubong kang taong naka-suot ng T-shirt na may mukha mo.
Sila ang tinatawag na die-hard fans. Dati, pinilit ko ang kapatid kong mag-suot ng t-shirt na may picture ko, muntik siyang mag-amok.
14. May merchandise ka at may tumatangkilik ng mga produktong ito.
(In relation to #13) Ika’y nasa cover ng notebook, balot ng chichirya, baso, keychain, medyas, panty-liner, packaging ng lason ng daga at sa mga glow-in-the-dark stickers na free sa instant noodles.
15. Lima o higit pa ang accounts mo sa Facebook, Friendster, Twitter, etc.
Actually, kung malaman mo kung sino ang gumawa ng mga fake accounts na ‘yun, I believe pwede mo silang kasuhan ng identity-theft. Pero pero pero, officially ka nang sikat kung hindi na manakaw ang photos mo at magamit ng ibang tao as profile pics dahil pakshet lang, walang maniniwala!!! Parang… “weh, di nga?”

Ilan ba ang Dingdong Dantes na magkaka-mukha sa mundo?! AT BAKIT KAMI MAY MGA MUTUAL FRIENDS?! -Kainez-
16. Ginagawan ka ng thesis.
For your contribution to society chorva chorva. Or to analyze the outright dysfunctionality of your public life, resulting to a mass-suicide of pre-pubescent teenage girls. Ay. Di ko kinaya.
17. Never ka nang nagkaka-traffic violation.
One, kasi may driver ka at two, kasi manghihingi na lang ng picture kasama mp si manong MMDA kapalit ng ticket o kotong. True story.
At ang pinaka super ultimate mega basis ng kasikatan mo ay…
18. Pinangalan sa iyo ang isang eskwelahan. O cocktail sa bar. O tigre.
Kung hindi mo pa naa-attain ang at least 9 out of 18 diyan, well, badet, wag kang feelingera. Hindi ka sikat.
ps: Parang ang pangit ng fact na 18 lang ang halimbawa ko pero wala na akong maisip eh. Kung kayo, meron, share niyo naman sa’min!
pps: Pakshet, kelan kaya ako sisikat?!?!
ppps: Malamang ay may rebuttal si Mike Abundo sa post na ‘to. Lol. Na-explain niya kasi dati na may kaibahan ang geographical at psychological demographics pero dahil medyo namatay na ang ibang braincells ko kaka-inom, hindi ko na maalala kung ano nga talaga ‘yun. Hayaan na lang natin syang mag-explain. XD
|


February 5th, 2010 at 1:27 am
Ay, grabe. Kinarir ang symptoms!
February 5th, 2010 at 1:39 am
Nakita ko ito sa facebook. ^^
Panalo lahat ng numbers. Pero pinaka ang #7.
<3
February 5th, 2010 at 2:26 am
ikaw na! i must say i’m impressed at nakarir mo sya. LOL
at love ko ung #15. haha…
19. isa kang household name
Kalabel mo lang din ung mga gamit sa bahay like Ajax, Joy, Seiko, Mac, Nikon, Colgate tamang kilala ka na kagad kahit “bernardo” lang pangalan mo at alam na kung sino tinutukoy na partikular ikaw kumbaga si “the” bernardo!
February 5th, 2010 at 3:14 am
20. Lagi kang ina-affiliate ng mga tao sa kanilang sarili
Kahit nakasakay lang sa elevator, dating naka-date, nanligaw sa kanila, inutusan para bumili ng Rinbee nung bata ka pa, inutangan ka nya, kalaro ka lang nya dati ng pen-pen de sarapen or simpleng kinamayan mo sya sa daan tapos kinilig na sila at napaamoy pa sila ng hinawakan mo. Ikaw na!
21.Mabilis ka mahusgahan o “ma-brand”
Lahat nalang, ni simpleng bagay na ginagawa mo may “malalim” na meaning sa ibang tao. Kesyo, di ka namansin kaya masungit ka, nginitian mo sya kaya “mabait” ka raw. at that span of seconds lang kilala ka na nila. Close lang, na parang wala kang baho. Sweet lang.
22. Ginagawan ka ng merchandise!
Poster, laruan, baso, upuan, sticker, limited edition bag, manika at kung anu anu pa ng minsan wala namang katuturan madikitan lang ng pangalan mo.
23. Meron kang line ng pabango
Dahil malaki lang talaga ang kita ng mga sikat pagdating sa paggawa ng line ng pabago sa abroad, dito atleast napapangalan sayo yung isang pabango or na-associate ka sa isang brand or sige na, kahit pabango lang ng glade me line ka.
February 5th, 2010 at 3:18 am
ps. yung 22 at 23 dapat tinatangkilik ng iba, hindi mo pinupwersa ung mga kaibigan mo at pamilya mo na bilin yun para bumalik lang ung ginastos mo sa pag-papagawa nun. Better na binayaran ka para gawin un para sayo, tamang me royalty pay ka pa ng total sales. XD
February 5th, 2010 at 4:17 am
kring i typed KRIN, lumabas ka! at maraming hits! woot!
at de puta! yung PINOY PAPARAZZI mo MAY VIRUS!!!! buti nablock ng AV ko, leche!!! KAKAREFORMAT ko lang! love you! <3
at sorry pero kadire yung kamutual friends mo kay DD, parang WEH??
February 5th, 2010 at 4:37 am
Id Wear a Kring T-shirt… XD
February 5th, 2010 at 6:31 am
natawa naman ako dun sa dingdong at bakit may mutual friends kau.. hahaha
February 5th, 2010 at 9:30 am
gusto ko yung #7. marunong pumili ng love interest sa fanfic!
February 5th, 2010 at 1:09 pm
@ Marcelle
Ni hindi ko na pinag-isipan, actually.
@ fartingprincess
Uy, thanks!
@ dchris
IKAW NA. ANG NAGTULOY. Hahaha! Thanks, koyah! Although your #22 mo, medyo #14 na! Haha! Pero funnnneeehhh!!!
@ mikmarilynmusika
AY. WIN. pero bakit nang tinype ko sakin, KRINGLE ang lumabas? also, Pinoy Parazzi works fine on mine. Teka, sumbong ko nga sa friend kong nagma-manage ng site na yan. Harhar!
@ Kvn
Awwww… I’d gladly sign it for you, deary <3
@ Anna
Ako naman ay nainezzz. Parang, BUHKETZ?!
@ mikialie
of course! i’m not gonna marry him for nothing!
February 5th, 2010 at 5:51 pm
awesome signed shirt would be nice…
grabe number 5… “alod” plng na type ko, eto na lumabas:
“Alodia Gosiengfiao”
“Alodia Gosiengfiao Cosplay”
very google-able tologoh… -_-
February 5th, 2010 at 7:18 pm
Hahahaha. Good read.
February 6th, 2010 at 1:40 am
ituloy daw eh.
24. Syang sya na ang mga sponsors
Sponsor ang humahabol sa iyo, hindi sila ang hinahabol. Tipong lahat na ng products and services sa company nila ibibigay para lang masabi mo on TV na Thank You *insert brand here* for my blah blah. at yung tipong pag birthday mo sandamakmak ang cake mo na personalized na mas malaki pa yung name ng brand kesa sa happy bday. lol. at yung mga tipong pag christmas binibigyan ka ng Louis Vuitton gift cheque (i witnessed the sponsor handed it to Sheryn Regis in a gathering)
25. Merong Multiple Fanclubs
Related sa #1 ni kring. sa philippine setting hindi uso ang official fanclub ni ganito ay eto lang hindi katulad sa ibang nation. split split ang fans into different groups. for example sandara park has four fanclubs: Parkers, Krungers, SPF and Magic Star. For sandara as an artist alone lang yun. hindi pa kasama doon ang loveteams na HeroSan, SephSan, MarkSan etc.
26. andame mong celebrity friends at andameng gustong makasama ka sa trabaho.
natatawa lang ako pag mga birthday ng sikat na artist. andaming bumabati kahit hindi pa nakikita personally Love daw nya at friends daw sila. CHOSun dynasty. lol. At pagsikat ka, andaming may crush sa iyo, nagpapainterview na gusto kitang maging Ka loveteam kesyo dream partner ka daw. LMAO.
27. nakapag guesting ka sa May Bukas Pa.
lolol. no more further explanation. kamusta sina Krista at Maricar.
natuwa lang ako sa blog entry na ito. blockbuster trulalu lahat to.
February 7th, 2010 at 2:21 am
BOO! sa akin as in! KRIN lang ok na.,
http://img704.imageshack.us/img704/5448/kring.jpg — ito pag tinype
http://img528.imageshack.us/img528/8073/clicked.jpg –ito pag ENTER
SORRY PALA WALA AKO SA DESPEDIDA NI SELDA., wala akong pera! XD
at sabihin mo sa nagmmanage ng PP, hindi sang ayon ang laptop ko.,
marahil matindi na yung nakuha kong AV.,
AT! FINE sa iyo kasi MAC ka, wala pang virus yan.,
February 7th, 2010 at 6:09 pm
Gagawan ko to ng in depth chorva next time. Meantime, LOL post! Alavet! <3
FB Fan Page lang yata ang meron ako. At pinsan ko pa ang gumawa. FAIL!
February 7th, 2010 at 9:08 pm
Hahahaha salamat sa Pinoy Parazzi link love lulz
February 8th, 2010 at 5:59 am
like 3x!!!!
nde ko maviview.,
February 8th, 2010 at 8:15 am
Best post ever!
February 8th, 2010 at 10:45 am
@ Kvn
SHE IS A SUPERSTAR INDEED.
@ soaks
Oh, why, thank you!!!
@ harloi
PANALO ANG CONTINUATION MO. IKAW NA. Wahahahahaha!!! At super totoo ang examples. Galing galing loovvveeetttT!!!! *dances*
@ kim
OMG. bakit magkaiba tayo? Shiet, i love it! Ako na ang nauna sa crinkle. Lolz. Also, okay lang… love ka pa rin namin.
@ Ria Jose
I SHALL BE WAITING FOR THAT POST. Huzzah! At ang FB fanpage ko, ka-fangirl ko ang gumawa. Anubear.
@ Micamyx
Uy, may virus daw website niyo, teh! Hahahaha!
@ Jonas Diego
ILU. THANK YOU! HUGS.
February 8th, 2010 at 10:07 pm
awww yeah, alodia gosiengfiao is a supahstar!!
and you too can do that <3
February 9th, 2010 at 10:09 am
[...] is in response to my dear Kring’s EPIC Alam Mong Sikat Ka Kung post. Hindi ko ALAM na sikat ako… FEELING ko lang sikat [...]
February 9th, 2010 at 10:14 am
Dahil wala lang… http://riajose.wordpress.com/2010/02/09/feeling-ko-lang-sikat-ako/
February 9th, 2010 at 5:40 pm
hahaha! i love this post. ftw yung fic. yes, dapat talaga TOP tapos magkakakilala kayo sa isang bar sa Europe. *winks*
you forgot this ata. yung tipong naglalakad ka lang sa mall tapos biglang may lalapit sa yo at sasabihin, pwede po magpapicture? tapos ipopost nila sa FB para sabihing may picture ako with *insert name here* at maraming magrereply ng “wow! ang swerte mo naman, kakainggit ka! sana ako din*
naalala ko, pag sinearch yung name ko, lalabas yung libel case namin dati. hahaha!
February 12th, 2010 at 11:25 pm
Hahaha…
This made me LOL!
I want to share this on my facebook page.
Hope you won’t mind me posting the link.
Very nice post!