Ang Tunay Na Babaeng Bakla

Written by Kring Elenzano on March 9th, 2011. Posted in Humor and Crack, Philippines, Pop Culture

Sa panahon ngayon, tila may matinding pangangailangan ang mga tao na ma-represent. Kaya nga may pino-propose na “National Bloggers Association” para you know, maging legit na ang bloggers. Or something. Pero ‘di na ako magco-comment dun dahil lahat na sila may naisulat tungkol dito at palong-palo ang mga points ng friendships natin. Hindi ako magco-comment pero nabasa ko ang manifesto at may katanungan lang ako na maaaring makatulong sa pag-buo at pag-revise eklavu ng organisasyon:

Kasama rin ba dyan ang mga bloggers sa LJ na ang tanging sinusulat lamang ay mga Harry Potter slash fanfiction (o kung ano’ng pinakain nila sa pusa nila)? Paano ang aking Kpop blogger friends na may blog titles na “I hEarT uK1zz” o “I am Kim Jaejoong’s Wifey” na walang sariling .com, .net, at mas marami pang emoticons ang entries kesa sa totoong salita? Bloggers din naman sila, di ba? Ano’ng maidudulot ng NBA para sa kanila na ang iba, Cyworld pa ang blogging platforms at Koryano ang text? Mataray sila, bakeeet?

May blog din ako na tinuturing ko na online love letters para sa jowa kong Koryano. How do you standardize love letters? Higit sa lahat, kung standard at ethics at ano ano pang chorva ang pag-uusapan, paano ang ang blog at lebel ng pagsusulat ni Billycoy? Alam niyo bang humihithit yun ng paminta at pinapalaman ang rugby sa tinapay? Paano ang nagbo-blog sa Facebook at Multiply? Ano’ng epekto nito sa kanila?

Ayun, pawang katanungan lamang ang ise-share ko. Pero pwede rin magtayo ng National “Blogging Is Srs Bzns” Bloggers Association of the Philippines. Ayan, mas angkop at syempre, hindi rin ako qualified sumali dun.

But wait! Hindi yan ang point ng blog ko. Going back to “representation”, gumawa kami ni P0yt ng Facebook page. Katuwaan lang at masabi lang. ANG TUNAY NA BABAENG BAKLA. Sumali ka, beks. Alam mong ka-dugo mo si Jobert Sucaldito at Tita Swarding.

Nanay Dionisia este Anabelle Rama este Pokwang. Ikaw na. Ikaw na ang babaeng bakla.

‘Teh, kung mahinhin ka, hindi palaban at ‘di naiintindihan ang simple terms tulad ng chorva, lapz, Nagoya Japan at funda, ‘wag ka nang mag-ilusyon. ‘Di ka babaeng bakla. ‘Di rin porke’t mahilig ka sa yaoi at nape-pair ka ng mga couples sa boybands, tunay na babaeng bakla ka na rin.

ANG TUNAY NA BABAENG BAKLA…

1. Ang tunay na babaeng bakla, kabisado ang mga pangalan ng candidates ng 1994 Miss Universe! Fabiola Pérez Rovirosa, Christelle Roelandts, Minorka Mercado, Lu Parker!

2. Ang tunay na babaeng bakla, hindi nagpipilit mag-heels kung magco-commute.

3. Ang tunay na babaeng bakla, nagsusuot ng malaswa nang ‘di nagmumukhang cheap.

4. Ang tunay na babaeng bakla, hindi nahihiyang magpatawa at magmukhang tanga minsan.

5. Ang tunay na babaeng bakla, lalaitin at lalaitin ang karibal, kahit gaano pa siya kaperpekto! (note: lalo na kung perpekto siya!) Aminin mo ‘yan!

6. Ang tunay na babaeng bakla, laging may dalang payong, pero kung wala, siya’y nakikisilong sa mga gwapong lalaki lamang.

7. Ang tunay na babaeng bakla, kayang magpaka-lasing. Sobrang lasing na gumagapang na sa sahig at niyayakap ang inidoro kaka-suka. Hindi niya alam kung paano sya nakaka-uwi pero paggising nya, keber! Beauty pa rin. Isang Biogesic at kapeng barako lang ang katapat ng hang-over.

8. Ang tunay na babaeng, bakla nag-i-impersonate ng artista, katrabaho o kaibigan.

9. Ang tunay na babaeng bakla, hindi takot makipag-sigawan sa taxi driver lalo na’t ginago sya nito. Nagsusumbong din sya sa LTFRB.

10. Ang tunay na babaeng bakla hindi lamang bumibirit sa videoke. Nagpe-perform sya! With dance moves pa minsan at walang pakialam kung siya’y sintonado.

11. Ang tunay na babaeng bakla gusto rin  tirahin si Maria Ozawa. At Aoi Sora.

12. Ang trulalung merling bingalou knowsung ang jinajabi key kahit Washington DC explain-explain. Bet ang more more na chopopo na otoks at Rita Gomez sa mga pa-Churchill at nagmamaasim na mga mujer. Vow.

Babaeng bakla? Sabeeee? Proud to be one, bitches!

Kayo, meron ba kayong maco-contribute sa list na ito? Ipo-post namin sa facebook page! Happy Beki!

ps: DI AKO MAKATIIS. KELANGAN KO ‘TONG ISAMA DITO. Isang mensahe para sa mga feelingero sa paligid:

Kuya, hindi ka guwapo. Makapal lang ang muk-ap mo. Foundation day everyday??? Ano ‘toh? Also, ‘di ka artista at lalong hindi ka sikat. Try mo mag-audition, ni hindi ka maco-call back. ‘Wag hydrocephalus. Babushka.

Related posts:

Tags: , , , ,

Trackback from your site.

facebook comments:

Archives

  • 2012 (53)
  • 2011 (74)
  • 2010 (44)
  • 2009 (52)
  • 2008 (53)
  • 2007 (23)