Bitter on Valentine’s Day

Written by Kring Elenzano on February 14th, 2012. Posted in Love and Relationships, Personal, Video Blogging

bitter-valentines
Sharing for truth! Thanks, B! And Happy Vagina-day, guys!

Anyway, since I know many people feel miserable today, I just want to remind you of how I was once like them. Thank god for maturity! This is a piece that I wrote in 2007 three years before I met Jimmy. I know many of you would be able to relate… Written in Filipino so deal.

~~~

“Pag nagpa-spa o scrub ba ako ng puso, matatanggal ba ang kalyo nito?”

Natawa ko sa sarili kong tanong. Heto na naman ako, dapat naka-focus sa trabaho at deadlines at iba pang mahahalagang bagay pero ano, nagmumuni-muni ako sa opisina at as usual, nagpapaka-senti!

Ngunit ano nga ba’ng nag-udyok sa ka-emohan na ito? Lalaki na naman ba? Ang obvious na sagot ay oo, isa na namang kampon ni Adan. Utang na loob, Kring! Akala ko ba sumuko ka na? Akala ko ipapahinga mo na ang damdamin mong matagal-tagal ding pinagod (uhm, 9 years to be exact) ng unrequited love?
Sya nga. Totoo naman. Pero kamakailan lang ay may dumating sa buhay ko at nagulo na naman ang mga bagay-bagay. Gusto ko siya, sobra. At oo, cliche nga at korni at parang linya lang sa pelikula ni Donna Cruz pero iba siya sa lahat ng lalaking nakilala ko.

Hindi siya trophy boyfriend at lalo nang hindi siya ang ideal guy ko. Sige, cute siya pero ang boring niya bilang tao. Sa harap ng iba, para siyang isang pagong na nagtatago sa loob ng kanyang shell. Kahit anong gawin mong katok, hindi siya lalabas. Gayun pa man, feeling ko, ‘yun ang charm niya. Kasi ‘pag kaming dalawa lang ang nag-uusap, naiinitindihan ko kung bakit siya ganun.

Pero wait, limelight ko ‘to so back to me.

Nais ko sanang ipaglaban ang feelings ko at alam mo na, i-pursue siya. Ngunit takot na talaga ko. Ito nga siguro ang nagagawa ng maraming rejections at traumatic experiences sa pag-ibig. Sabi ng kaibigan ko, ganun talaga ang love, dapat mag-risk ka. Isugal mo, kumbaga. Maaring masasaktan ka, iiyak o madudurog na naman ang iyong puso pero ganun eh! Doon mo masusukat ang lahat.

Ang tanong ko lang, bakit ako na naman ang kelangang gumawa n’un? Hindi ba pwedeng ako ang i-pursue at ipaglaban at mahalin muna? Kailangan ako na naman ba ang lumunok ng pride ko at mag-confess ng feelings? Nakakatawa mang sinasabi ko ito pero babae rin naman ako. Kailangan ko ring pahalagahan ang aking sarili.

Bukod pa dun, gusto ko mang sumugal, naubos na ang pondo ko. Kasi dati taya ako ng taya at sa huli, talo pa rin. Lagi na lang talo! Nais ko namang manalo ngayon. At isang dahilan pa kung bakit siguro natatakot ako ay dahil hindi pa man nag-uumpisa, nakikita ko na ang aking pagka-talo.

Nakakalungkot na jaded na ako at cynical gayong hindi pa nga ako napasok sa isang relasyon. Kaya nga gusto ko rin sanang ipatanggal itong kalyo sa puso ko. Hmmm… Sino kayang gagawa nun? Ako din ata.

(Nakaka-relate ka ba? SHARE MO SA FACEBOOK AT TWITTER!!!)

~~~

Four years later and I’m making cheesy shit like this:

Hahahaha! Indeed, the world is round. You can’t lose forever. Stay safe tonight, bitches! Mwah! AND JOIN US ON MARCH 3, YES?

Please don’t forget to follow us on Twitter: Kring, My Korean Boyfriend, Jimmy Kim
And “like” us on Facebook: Kring Elenzano / The Krimmy Couple / C.N.A. Philippines
Subscribe to my YouTube account: FunnySexy

Related posts:

Tags: , , , , , , ,

Trackback from your site.

facebook comments:

Archives

  • 2012 (53)
  • 2011 (74)
  • 2010 (44)
  • 2009 (52)
  • 2008 (53)
  • 2007 (23)