Makeover 101: How To Get Fairer Skin

Written by Kring Elenzano on July 1st, 2012. Posted in Beauty and Fashion, Humor and Crack, Philippines

 ”Good evening, Misss Kring,

I am one of your fans out there. Just wondering, super laki po talga ng pinag-bago nyo. Nagda-dalaga na rin po kasi ako, Ms. Kring and tips namn po kung paano kayo pumiti ng ganyan. Kasi po ang itim ko po, and super dami ko pong peklat sa binti. Super nawawalan na po ako ng confidence sa sarili ko dahil nga po ang itim ko pati na rin po tadtad ng peklat binti ko. Tips naman po kung paano nyo po na-achive ang ganyang kutis nyo po! Salamat, Ms. Kring. Sana po sagutin nyo po itong email ko :”>

Roxette Shay Chua”

Hi Roxette,

Una sa lahat, salamat sa email at sa tiwala na matutulungan kita sa problema mo. Sabi ko naman sa iyo, ibo-blog ko ‘to para mabasa na rin ng ibang gerlaloo na malamang pareho rin ang concerns sa ‘yo. At dahil ang bonggelz ng topic na ito, multiple posts ang kailangan para talagang more more detalyado! Syempre, for our first post, ang issue mo sa iyong balat. Paano nga ba pumuti?

Kapag may nagsasabi sa ‘king “Why don’t you get a tan? I think it suits you more” parang gusto kong sumapak ng butiki. 20+ years akong tanned, trust me, sawa na ‘ko. Buong buhay ko, maitim ako. Hindi ito exag, tunay at wagas ang kaitiman ko nun. Super batang kalye ko kasi tapos volleyball player pa ko nung araw (nung araw talaga??? Tanda!!!) kaya naman kasing-kulay ko ang mga kuya ng Philippine Dragon Boat.

hot-to-get-fairer-skin

Feeling mo pangit ka??? Naman gurl, ito ‘ko nung garde six (sorry sa blurred photo. Sisihin ang teknolohiya nung 90′s)!

Pero bago natin i-address yang problema mo, paki-accept muna ang fact na kung maitim ang mommy mo, tatay mo at mga kapatid mo, at wala naman kayong Chinese, European or Lebanese blood, teh ‘wag ka naman masyadong mag-expect na magiging kasing puti ka ni Anne Curtis.

So, papaano ba ako pumuti nang hindi nagpapa-bleach or nagpapa-turok ng Gluta? Ito ang mga tips ko:

1. GUMAMIT NG PAYONG!!!

Nung estudyante pa ako, pinagtatawanan ko ang mga nagpa-payong. Ewww. So tandercats. Diyahe, mehn, hindi cool! Actually, karamihan ng kabataan hindi nagdadala ng payong except kung tag-ulan. Yun pala, ito ang sagot sa kahirapan. Nang nagsimula akong gumamit ng payong, wow, napansin ko agad na nag-lighten ang skin ko! Pero hindi ako gumamit ng payong para “magpa-puti”. Sign of aging ang paggamit ng payong, tulad ng pag-suot ng maluluwag na damit at pag-inom ng tsaa. Ngayon, ‘di ako lumalabas ng bahay nang walang payong.

how-to-get-fairer-skin-02

2. MAG-OPISINA KA.

In other words, ‘wag pabilad-bilad sa araw. Nakatulong din ang pag-trabaho ko kasi nga naman ang mga opisina, may aircon. Papasok ka tapos nasa loob ka lang tapos ‘pag uwian na, sunset na. Wala kang choice, puputi ka kahit ayaw mo (hindi ito applicable sa mga engineer sa field o segment producer ng Juan For All sa Eat Bulaga).

Actually yung dalawang yun talaga ang nagpa-puti sa akin (bilang lumabas lang ang tunay kong kulay). Seryoso. Pero we can go further. Marami pang ways para pumuti.

3. MAGPA-BLEACH AT FULL-BODY CHEMICAL PEEL.

Hindi tunay ang Papaya at Gluta soap. Hindi na-a-achieve ang Regine Velasquez complexion ng simpleng sabon. Kumunsulta sa derma tulad ng mga artista. Mahal ito pero effective. ‘Di ko pa na-try pero kung may sponsor, why not?

how-to-get-fairer-skin-04

Walang imposible sa mundo (bukod sa mag-staple ng gelatin sa pader).

4. MAGPA-TUROK NG GLUTATHIONE.

Trulalu naman daw talaga ito kaya parang bet ko ring subukan. More on pagpa-pantay ng complexion para hindi maitim ang mukha at maputi ang tiyan. Yung Gluta tablets, matagal ang effect at hindi kasing powerful. Walang point kung nagpapa-injection ng Gluta tapos every weekend nasa beach or namumundok ka rin.

5. GUMAMIT NG WHITENING PRODUCTS.

Hindi ‘ko ma-attest ang effectivity ng mga over-the-counter “cheap” whitening products pero why not? Sa ibang tao gumagana siya, sa iba hindi. Swerte-swerte lang parang raffle draw. Pero my gazzzz Albelgas!!! Mag-ingat sa produkto galing China na binebenta sa Divi!!!

how-to-get-fairer-skin-05

‘Wag gumamit nito ayon sa Ecowaste Coalition! Dangerrrr!

Kung gusto mo namang all-natural…

6. EVAP MILK + CALAMANSI.

Ito ay natutunan ko kay mareng Judai. Yes, as in Judy Ann Santos-Agoncillo. Mix 1 tbsp of evap milk + juice from 1 fat calamansi then gawing facial mask. Pag natuyo na, hugasan ng maligamgam na tubig. Gawin ito bago matulog. Maganda daw ito sa pag-absorb ng make-up at dumi-dumi at syempre nakaka-puti rin ang gatas at kalamansi.

7. MAG-SUN BLOCK.

Bakit hindi ko ba ito naisip nung kabataan ko?!? Hindi lang ito makaka-stop ng pag-itim mo, nape-prevent din niya ang pre-mature aging at iba pang skin conditions tulad ng discoloration. Hindi pang-beach na sunblock, ah! Malagkit yun! Meron yung pang araw-araw lang.

8. TUMIRA SA MALAMIG NA LUGAR

Connected ito sa #2. Naman, palagay mo ba makakapag-pek pek shorts ka pa at tube top kung negative 18 ang temperature? Walang part sa katawan mo ang mae-expose sa araw dahil pati kalahati ng mukha mo mababalot ng scarf.


Try mong umitim. Go.

May advice ako sa ‘yo though. Kung nahihirapan kang pumuti at feeling mo pangit ka dahil sa kulay mo, ang pinaka-magandang option ay tumira ka sa Europe or North America. Seryoso ‘to. Alam mo ba kung gaano nila gustong ma-achieve ang kulay nating mga Pinoy? Bakit palagay mong hit ang mga true-blue Pinays sa mga foreigners? It’s a matter of perspective, really. Ayaw natin ng meron tayo. Mga singkit, gusto magpa-laki ng mata. Mga unat, nagpapa-kulot! Maniwala ka, para sa iba, ang perfect ng kulay mo at maganda ka pa sa bituin.

how-to-get-fairer-skin-07

Madam, ano’ng gusto mong ma-achieve? Maging tan o maging punong kahoy?

Sa susunod naman… paano matanggal ang peklat sa binti! How to get rid of your natural “barya”! Marami rin ako niyan noon (may ilan-ilan pa rin until now) so expert din ako dyan. Sana nag-enjoy kayo at may napulot dito! Paki-share na lang kung natuwa kayo sa blog post na ito. ^^

At kung bet mo rin ang Tagalog blog post na ito, check out my other entries like Ang Tunay na Babaeng Bakla, Alam Mong Sikat Ka Kung…, Isa Ka Bang batang 90′s at marami pang iba!

Please don’t forget to follow us on Twitter: Kring, My Korean Boyfriend, Jimmy Kim
And “like” us on Facebook: Kring Elenzano / My Korean Boyfriend / C.N.A. Philippines
Subscribe to my YouTube account: FunnySexy

Tags: , , , , , , , ,

Trackback from your site.

  • http://porcelainlust.blogspot.com/ Meoki Goto

    Reminds me of my UST days! Sa field ang PE (softball) tapos hinangad ko pa mapabilang sa soccer team sabay lilipat rin naman pala ako ng school =)))) Negritang-negrita ang peg ko before :) ) Dala rin siguro ng pagtanda ang pagsisimula ko gumamit ng payong, sunblock at kung anu-anong ka-echosan. And yessss, sobrang effective nung injectables. I have this friend mala-Kris Aquino na :O Ingat lang sa reader mo, baka maging transparent ka teh~

  • Anonymous

     At dahil dyan, susubukan ko na ang injectable Gluta na yan!!! Bet ko amging ala-Twilight vampire~

  • Pingback: How To Get Rid of Scars

  • Jaren Eumague

    thank you po sa mga tips…

Archives

  • 2013 (12)
  • 2012 (80)
  • 2011 (74)
  • 2010 (44)
  • 2009 (52)
  • 2008 (53)
  • 2007 (23)

Categories