SONA 2012: Ansabeee?

Written by Kring Elenzano on July 23rd, 2012. Posted in Philippines

Hindi ako fan ni NoyNoy. Hindi ko nga siya binoto noong eleksyon and honestly, medyo disappointed ako nung nanalo sya. Magpaka-totoo na tayo, noh! Two years na syang pangulo at wala pa akong naging blog entry tungkol sa kanya. Bakit naman, relevant ba sya sa life ko??? Pero ito ang una – ang reaksyon ko sa #SONA2012 nya. Hindi ko hihimayin ang mga sinabi PNoy. Ito lamang ang two cents ko sa mga points ng SONA at mga tweets ng mga tao.

- Unang una ‘di naman ganun kabilis magpa-unlad ng bansa at mag-linis ng institusyon. Gusto agad-agad?! Nagmamadali?! Try mo kayang tapusin ang sinimulang calculus homework ng isang drug adik, tapos 3 hours dapat tapos ka na? Sige nga! Syempre start from scratch ka, di ba?

- For me, pinaka-okay ang pagdagdag ng budget sa edukasyon. Pero mas bet ko ang paharing niyang:

“Kaya kung may magsasabi pa ring binawasan natin ang budget ng edukasyon, kukumbinsihin na lang namin ang inyong mga paaralan na maghandog ng remedial math class para sa inyo”

SONA-2012

BUUUUURRRRNNN.

- Speaking of education… Education = empowerment. At naniniwala ako na dapat ituro sa mga pre-school at elementary students ang REAL and GENUINE love for the country. Hindi lang mga info tulad ng pambansang chorva at mga bayani natin. Yun bang tunay at wagas na pride at pagmamahal na hindi lang nakasulat sa T-shirt or sa cap na may 3 stars and a sun.

- Ang magandang infrastructure ay sensyales ng umuunlad na ekonomiya. Alam mo yan sa self mo. More roads! More trains! Better airports, attack!!! Sobrang excited ako dito lalo na sa mga MRT, LRT at renovation ng NAIA 1.

- Kung galit ka sa gobyerno, kahit sino pang maging presidente, magra-rally, mag-rereklamo at magiging negastar ka pa rin. So che!

- Hindi ko masyadong sure kung mabuti ba o hindi ang pag-mention nya nga mga gov’t officials at miyembro ng gabinete. Pangit in a way kasi baka tatakbo lang sila next year at you know, publicity pero winner din kasi ina-acknowledge ni PNoy na ang success ng bansa ay hindi dahil sa kanya, TEAM WORK TO, TEH! I don’t think ganun ka-multi-tasker at ka-sipag si NoyNoy. LOL. Tsaka walang masamang magpasalamat. Gooo.

- More more cheers and standing ovation sa mention ng “responsible parenthood”. However, tama si Marcel Fabie sa Twitter: “The problem with saying “Responsible Parenthood” is most #RHBill advocates feel it’s half-assing it while most anti’s are already insulted.” O sige, go, warla na to, oh! Sa pula sa puti ang peg!

- AMIN ANG SCARBOROUGH AT SPRAYTLEY’S, PAKSHET!!! LAYAS DIN MGA ABUSADONG MINAHAN AT ILLEGAL LOGGERS!!!

- Sabi ni Jenni Epperson sa Twitter: “Put the system in place & watch the country improve! A good leader makes his successor a better one by creating a working system.” Truefaxxxx.

- Nakakaloka. Let’s make up our mind, guys. Ano ba mas dapat i-prioritize, “agricultural” or “industrial” development?? Sabi ng isang sektor, ganito, sa kabila naman, ito. Paano yan, bato-bato pick na lang?

- Nakakatuwa ng bongga ang pag-angat ng economic status natin. As in.

“Nito pong first quarter ng 2012, ang GDP growth natin, 6.4 percent; milya-milya ang layo niyan sa mga prediksyon, at pinakamataas sa buong Southeast Asian region; pangalawa po ito sa Asya, sunod lang tayo sa Tsina.”

Hindi ko rin ho nararamdaman o nauunawaan ang mga “all-time highs sa stock exchange” at mga GDP eklavu na yan pero hindi ibig sabihin ‘di ito nangyayari o nakakatulong sa bansa natin.

- Marami pa ring mahihirap, walang makain at nagdurusa. Bobo na lang ang magde-deny nito. Pero hindi ibig sabihin hindi tayo uma-asenso. Back to my first point, gusto agad agad???

- Magaling ang ghostwriter ni PNoy. Baka writer ng 80′s sitcom. O kaya si Brad Pete. LOL.

- Ika nga ni Celine Hernandez sa Twitter: “Malaki ang kaltas sa buwis. Madami pa ang kulang, kailangan pagtuunan. Pero wala tayo sa Enchanted Kingdom. Walang magician dito. Tao lang.”

- Mitos Magsaysay on GMA News TV: First time lang kitang nakita at napakinggan pero nakakatawa ka, teh. Kung makapag-criticize naman parang wala sa gobyerno! Madam, ano na nagawa mo tungkol sa kahirapan, presyo ng bilihin, trabaho, etc? Bukod sa pagiging ka-alyado ni Gloria?

- Ang mga accomplishments na sinabi sa SONA ay hindi sa kanya, anubear. Hindi si NoyNoy ang gobyerno. Kapag pumunta ka ng CHED or sa DOH, hindi ang pangulo ang haharap sa’yo. At para sa akin, kung nangongopya ka sa eskwela, may kabit ka, hindi ka sumusunod sa batas trapiko at nanloloko ka ng kapwa mo, wala kang moral ascendancy para mag-finger point at manisi. Tsong, ang pagbabago nagsisimula sa sarili.

Hmmm.. Mukhang magkaka-totoo ang propesiya na narinig ko nung 2008. Mukhang giginhawa ng talaga ang bayan by 2020, kahit gaano pa kadaming mag-crab mentality. At mukhang tama nga si Noynoy…

“Talaga namang ang sarap maging Pilipino sa mga panahong ito.”

PS: Hindi mo kailagang umasa lamang sa gobyerno sa pagbabago at pag-unlad ng Pinas. Try mong mag-volunteer sa Gawad Kalinga, goooo! I implore you! Their system works because they help the poor based on hope and love. Kung ang motivation mo sa “pagbabago” ay HATE at ANGER at yun ang tinuturo mo sa maralita, well… wala kang mararating at maitutulong.

Please don’t forget to follow us on Twitter: Kring, My Korean Boyfriend, Jimmy Kim
And “like” us on Facebook: Kring Elenzano / My Korean Boyfriend / C.N.A. Philippines
Subscribe to my YouTube account: FunnySexy

Tags: , , , , , ,

Trackback from your site.

  • Paulajanerodriguez

    over

Archives

  • 2013 (23)
  • 2012 (80)
  • 2011 (74)
  • 2010 (44)
  • 2009 (52)
  • 2008 (53)
  • 2007 (23)

Categories